P124M halaga ng shabu nasabat sa Pangasinan; 4 na Chinese arestado

By Len Montaño May 24, 2019 - 11:43 PM

Arestado ang apat na Chinese nationals matapos makuhanan ng P124 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Urdaneta, Pangasinan.

Ayon kay NBI spokesman Ferdinand Lavin, naaresto sina Lu Jun, Zuo Sheng Li, Li Yu at Ye Ling.

Dalawang araw na nasa surveillance ng NBI ang mga dayuhan.

Unang naaresto si Lu Jun na nakuhanan ng 10 pakete ng shabu.

Sa bisa ng search warrants isinagawa ng NBI agents ang operasyon sa tatlo pang kasabwat ni Lu Jun.

Inihahanda na ng NBI ang kaukulang kaso laban sa 4 na Chinese.

 

 

 

 

TAGS: 10 pakete ng shabu, 4 Chinese, NBI, P14M halaga, pangasinan, search warrant, shabu, surveillance, Urdaneta, 10 pakete ng shabu, 4 Chinese, NBI, P14M halaga, pangasinan, search warrant, shabu, surveillance, Urdaneta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.