Duterte sa militar: ‘Imbes na kudeta, sabihan ako kung gusto niyo na akong umalis’

Bong Go photo

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na direkta siyang sabihan kung gusto nilang mawala na siya sa pwesto imbes na magsagawa ng kudeta ang mga sundalo.

Ayon sa Pangulo, maaari siyang mapatalsik ng militar kung gusto nito na palitan siya ni Vice President Leni Robredo.

“Takot ako na i-coup d’etat ako ng police pati military (Am I afraid of a coup d’etat?)? If you want me out, tell me,” pahayag ni Duterte said kanyang talumpati sa thanksgiving party para kay Senator-elect Bong Go sa Davao City.

Dagdag ni Duterte, mas pipiliin niyang umuwi na lamang kaysa makita ang Presidential Security Group (PSG) at ang militar na mag away-away.

“Hindi tama ‘yang ginawa na every president. Kung ayaw ninyo, magbaba ako. Bakit kayo magbarilan? Hindi ako papayag na ‘yung PSG magbarilan, kalokohan,” ani Duterte.

“Ayaw ninyo ako? Okay. Uwi na ako. Sige… ‘Yung babae na ang presidente niyo. Kung mahusay siya eh di wala akong ano — wala akong ano… Tatakutin ako ng coup d’etat. Ah kalokohan ‘yan,” dagdag ng Pangulo.

 

 

 

 

 

 

Read more...