Alyas Bikoy isa ng ‘free man’ matapos magpiyansa sa lahat ng kasong estafa
Isa ng “free man” at pansamantala ng malaya si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si Bikoy matapos itong magpiyansa sa lahat ng kasong estafa na isinampa laban sa kanya.
“Yes, at this time, naka-post na siya ng bail sa lahat ng kaso niya,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Bernard Banac.
Pero sinabi ni Banac na bagamat nakapag-lagak na ng piyansa si Advincula sa lahat ng estafa cases nito ay naka-confine pa rin ito sa PNP General Hospital.
Gayunman, maaari na itong umalis ng Camp Crame, kung saan siya nakulong, oras na bigyan ito ng clearance ng mga doktor.
“He may choose to leave Crame hospital as soon as doctor certifies he is fit and well for discharge,” dagdag bi Banac.
Dinala si Advincula sa PNP General Hospital araw ng Biyernes dahil tumaas ang blood pressure nito.
Sa kanyang pagsuko sa PNP, nagbago ng pahayag si Advincula at sinabing ang oposisyon ang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos na nagsangkot kay Pangulong Rodrigo Duterte, pamilya nito at ilang opisyal sa kalakalan ng illegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.