3 patay matapos tamaan ng kidlat sa Camarines Sur at Leyte

By Len Montaño May 24, 2019 - 09:40 PM

File photo by Ellen Borbolla

Tatlong katao ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Camarines Sur at Leyte.

Nagtatrabaho sa palayan ang isang magsasaka sa bayan ng Nabua sa CamSur nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Sumilong ang biktimang si Marvin Leonen sa isang maliit na kubol nang tamaan ito ng kidlat.

Nagtamo ang magsasaka ng sunog sa katawan at patay na nang madala sa ospital.

Sa bayan naman ng Cabaman, walong lalaki na gumagawa ng bahay sa Barangay San Vicente ang dinala sa ospital matapos tamaan ng kidlat ang isang puno kung saan sila nakasilong.

Isa sa walo na nakilalang si Raymond Pesimo ang nasawi habang isa pa na nakilalang si Mazer Salik ay nasa kritikal na kundisyon.

Samantala sa Babatngon, Leyte, nangingisda si Diosdado Sabenario nang tamaan ito ng kidlat sa gitna ng dagat.

Nadala pa sa ospital si Sabenario pero idineklara na itong dead on arrival.

 

 

 

TAGS: 3 PATAY, camarines sur, dead on arrival, kidlat, leyte, magsasaka, Mangingisda, sumilong, 3 PATAY, camarines sur, dead on arrival, kidlat, leyte, magsasaka, Mangingisda, sumilong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.