Obispong kritiko ni Pangulong Duterte ipagdarasal ni Pope Francis

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 08:55 PM

Photo from Bishop David

Ipagdarasal umano ni Pope Francis ang obispo na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ito ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa kaniyang mahabang post sa Facebook matapos makadaupang palad ang Santo Papa.

Sa kaniyang post na may titulong “Confirmed by Peter’s Embrace,” sinabi ni BIsjop David na nilapitan niya ang Santo Papa at hiniling ang panalangin nito.

Bago pa umano siya matapos sa pagsasalita, binanggit sa kaniya ng Santo Papa na alam nito ang kaniyang sitwasyon at alam ang kaniyang pinagdaraanan at ipinagdarasal niya ito.

“The [Pope Francis] looked into my eyes as I spoke. I was surprised when he interrupted me in the middle of my sentence and said, ‘I want you to know that I know your situation; I know what you are going through. I am praying for you. Please continue,’” ayon sa post ni David.

Ayon kay David naluha pa siya nang madinig ang pahayag ng Santo Papa.

Matapos ang pag-uusap ibinahagi ni David ang kaniyang regalong libro kay Pope Francis na mayroong titulo na “El Evangelio del Amor De Acuerdo a Juan/a”.

Bago umalis sinabihan pa umano siya ni Pope Francis na kaisa siya nito sa kaniyang mga kinakaharap na pagsubok sa kaniyang diocese.

Si David ay ilang beses nang nabatikos ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga talumpati.

Kabilang sa mga akusasyon ng pangulo laban kay Bishop David ay ang pagnanakaw umano nito ng donasyon sa simbahan at pati ang ina ni David ay hindi nakaligtas sa batikos ng pangulo.

TAGS: Bishop Pablo David, Duterte critic, pope francis, Bishop Pablo David, Duterte critic, pope francis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.