PDEA Director General Aquino handang humarap sa MTRCB

By Clarize Austria May 24, 2019 - 08:33 PM

Handang humarap si PDEA Director General Aaron Aquino sa pagpapatawag ng MTRCB kaugnay sa kontrobersya sa kantang ‘Amatz’ ni Shanti Dope.

Ayon kay Aquino, bagaman kanta lang umano ang ‘Amatz’ ay mayroon pa rin iyong epekto sa mga kabataan na nakikinig.

Giit pa niya, 32 beses nabanggit ang salitang ‘Amatz’ sa kanta at alam din umano ng mga tao kung anong ibig sabihin nito.

Hinamon naman ni Aquino si Shanti Dope na gumawa ng kanta na makakatulong sa mga kabataan na umiwas sa iligal na droga.

Kanta lamang umano ito pero kung nagpo-promote ito ng masama ay patuloy itong babatikusin ng PDEA.

Matatandang hiniling ng PDEA na i-ban ang pagpapatugtog ng nasabing kanta dahil sa hindi magandang mensahe nito na tumatalima sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

TAGS: aaron aquino, PDEA, Radyo Inquirer, aaron aquino, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.