Bata sugatan sa sunog sa Valenzuela

By Len Montaño May 24, 2019 - 08:09 PM

Credit: Liwayway Diaz Cruz

(UPDATE) Isang 2 anyos na batang babae ang nasugatan sa sunog sa Elysian Subdivision sa Barangay Marulas, Valenzuela araw ng Biyernes.

Dinala ang bata sa Karuhatan General Hospital dahil sa tinamong first degree burn sa kaliwang paa nito.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Eduardo Plaza alas 6:30 ng gabi.

Ayon kay Valenzuela City Fire Senior Insp. Noel Dulin, mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang bahay.

Alas 7:00 ng gabi ay umabot sa 3rd alarm ang sunog at tuluyang naapula alas 9:00 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog at halaga ng naabong ari-arian.

TAGS: bata, Elysian Subdivision, fire, first degree burn, kaliwang paa, Radyo Inquirer, sugatan, sunog, valenzuela, bata, Elysian Subdivision, fire, first degree burn, kaliwang paa, Radyo Inquirer, sugatan, sunog, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.