MWSS administrator Reynaldo Velasco sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 07:35 PM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Reynaldo Velasco.

Ang pagsibak sa pwesto kay Velasco ay inanunsyo ng pangulo noong Huwebes ng gabi sa Davao City sa idinaos na thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go.

Ayon sa pangulo papalitan si Velasco ni retired General Ricardo Morales.

Magugunitang sinabi na noon ng pangulo na may masisibak sa pwesto bunsod ng naranasang krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal noong Marso.

Ipinatawag pa sa Malakanyang at sinermunan nang husto ng pangulo si Velasco, iba pang opisyal ng MWSS at ng Manila Water at Maynilad noong kasagsagan ng naranasang krisis sa tubig.

TAGS: mwss, Radyo Inquirer, Reynaldo Velasco, mwss, Radyo Inquirer, Reynaldo Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.