Ang LPA ay huling namataan sa layong 60 km East Southeast ng Roxas City, Capiz.
Ayon sa PAGASA sa ngayon ay mababa naman ang tsansa na mabuo ito bilang isang ganap na bagyo.
Gayunman, magpapaulan na ito sa buong Visayas.
Sinabi ng PAGASA na makararanas na ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Visayas dahil sa LPA at maaring magdulot ng flash floods o landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.
Ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region ay makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil naman sa southwesterly surface windflow.
MOST READ
LATEST STORIES