Boses ni DJ Khaled tampok sa voice navigator ng Waze

Magkakaroon ng pagbabago sa voice navigator ng traffic app na Waze.

Simula kasi noong May 22 hanggang sa buong buwan ng Hunyo maririnig na ang boses ni DJ Khaled bilang voice navigator ng traffic app.

Ayon sa Waze, bahagi ito ng selebrasyon sa pagre-release ng latest album ni DJ Khaled na “Father of Ashad”.

Para magamit ang boses ni DJ Khaled bilang voice navigator ay kailangan lamang magtungo sa settings, at piliin ang Voice DIrections at iclick ang DJ Khaled.

Ilan lamang sa mga sikat na naging voice navigator ng Waze ay sina Morgan Freeman, Liam Neeson, Kevin Hart, Shaquille O’Neal at Terry Crews.

Read more...