Suplay ng tubig nakakaabot na sa matataas na lugar sa QC dahil sa integrated distribution network solutions

Nananatiling hamon para sa Manila Water ang matataas na lugar sa Quezon City sa paghahatid ng tubig sa kanilang nasasakupan.

Ang topography kasi ng lungsod ay masasabing rolling terrain kaya ang suplay ng tubig ay nananatiling hindi tuluy-tuloy maski na sa ground floor level.

Ang mga sumusunod na mga barangay ay nakakaranas lamang ng suplay ng tubig ng humihigit-kumulang na walong oras kada araw:

• Pasong Tamo
• Pingkian
• Teacher’s Village
• Matandang Balara
• Pinyahan
• Central

Mula nang maranasan ang problema sa suplay ng tubig noong Marso, ang East Zone concessionaire na Manila Water ay nagpatupad na ng ilang mga technical solution upang matugunan ang paghahatid ng tubig sa mga customer nito.

Kung may tubig na ang mga bahay na nasa mas mabababang lugar, ang pag-akyat ng tubig sa mga matataas at malalayong lugar at nananatiling malaking hamon.

Isang integrated distribution network ang kinailangan upang maihatid ng patas ang suplay ng tubig para sa mga customer.

Sa mga matataas na lugar o rolling terrains, naglagay na ang Manila water ng mga line boosters at pumps upang maipahatid nito ang suplay ng tubig sa mga lugar kung saan ito kailangan na kailangan.

Sa QC, mahigit sampung line boosters na and nailagay ng Manila Water kasabay ng looping at installation ng mga karagdagang linya ng tubig para mas maihatid ang tubig lalo na sa mga lugar ng Teacher’s Village, Pinyahan at Central.

Kinakailangan ding regular na gawin ang throttling ng mga balbula at bantayan mabuti ang mga adjustments para masiguradong makakarating ang tubig sa lahat ng kostomer ng Manila Water lalung-lalo na sa mga matataas na lugar ng mga nasabing mga barangay.

Isa sa mga malaking intervention ay ang palaging pag-refill ng 20 million liters ng Luzon Reservoir na nagbibigay ng tubig sa mga matataas na lugar sa lungsod ng Quezon kasama ang mga sumusunod na mga barangay:

• Matandang Balara
• Pingkian
• Pasong Tamo

May kaakibat na isang line booster sa reservoir na ito kung saan tumutulong mapunuan nito ang nasabing pasilidad.

Ang kombinasyon nitong mga teknikal na solusyon ay ang sanhi kung bakit mas nagkakatubig na ng mahabang oras.

Mula Mayo 23, 2019 ay 99% na ng mga customer ng Manila Water ang nakakaranas na ng tubig ng mahigit kumulang 8 oras kada araw na suplay ng tubig sa ground floor level na may regulatory standard na 7 psi (pounds per square inch).

Nagawa ring mabawasan ng Manila Water ang pagkukulang sa suplay ng tubig sa konsesyonaryo nito mula 150 million liters per day (MLD) na ngayo’y 43 MLD na lamang.

Ito ay resulta ng supply augmentation programs kung saan 50 to 56 MLD ay nagmumula sa Cardona Water Treatment Plant sa Rizal, 32-34 MLD mula sa mga muling pinagana at inayos na mga deepwells at 20 MLD mula sa cross border flows.

Nagsagawa ang Manila Water ng ilang ‘technical solutions’ upang mapaabot ang tubig sa matataas na lugar pati na rin doon sa mga komunidad na malayo sa mga pasilidad. Nasa kaliwang larawan ang Luzon Reservoir na mayroon kapasidad na 20 million liters (ML), na kasalukuyan nang nagseserbisyo sa ilang bahagi ng Matandang Balara, Pasong Tamo, and Tandang Sora.

Makikita naman sa kanang larawan ang ‘line booster’ na inilagay sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) upang mapalakas ang pressure ng tubig sa loob ng ospital para sa mas maaasahang suplay ng tubig.

Read more...