1 patay, 5 sugatan sa aksidente sa Pangasinan

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 05:45 PM

Inquirer file photo
Nasawi ang isang tindero ng pandesal sa bayan ng Rosales sa Pangasinan matapos salpukin ng isang sasakyan ang kaniyang tricycle.

Nakilala ang nasawi na si King John Abuan, 33-anyos, residente ng Barangay Puelay sa bayan ng Villasis, Biyernes (May 25) ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binangga ng 25-anyos na driver ng AUV ang tricycle na sinasakyan ni Abuan na noon ay kagagaling lang sa pagtitinda ng pandesal.

Pagkatapos mabangga ng SUV ay pumailalim pa ang biktima sa kasunod na truck sa Carmen Bridge.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Marlon Palaruan, sa lakas ng impact ng pagkakabangga, sumadsad ang tricycle sa concrete railings ng tulay at pumailalim sa truck.

Dinala sa ospital ang mga biktima kabilang na ang driver ng AUV at mga pasahero nito pero idineklarang dead on arrival si Abuan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng AUV.

TAGS: accident, pangasinan, Rosales, accident, pangasinan, Rosales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.