Reelected Iligan City Rep. Frederick Siao pinatawan ng 90 araw na suspensyon ng Sandiganbayan

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang 90 araw na preventive suspension kay reelected Iligan City Representative Frederick Siao habang dinidinig ang kasong graft nito kaugnay sa maanomalyang pag-upa ng lupa para sa public transport terminal.

Sa resolusyon ng anti-graft court 3rd divison, binawalan si Siao na gampanan ang kaniyang tungkulin sa House of Representatives habang umiiral ang suspensyon.

Inatasan ang tanggapan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipatupad ang suspension order.

Ayon sa Sandiganbayan sa ilalim ng section 13 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act mandato ng korte ang pagpapatupad ng preventive suspension sa incumbent government official na nahaharap sa criminal prosecution.

Kailangan umanong ipalabas ang suspension order oras na makita ng korte na ang kaso ay sufficient in form and substance.

Read more...