Halos 60% ng mga gurong nanilbihan noong eleksyon, nabayaran na
Labingisang araw pagkatapos ng eleksyon, tuluy- tuloy ang pamamahagi ng Comelec ng mga honoraria ng mga miyembro ng electoral board na nagsilbi sa halalan.
Sa press briefing sa Comelec, sinabi ni Comelec Spokesman Dir James Jimenez na hanggang alas 12:00 ng tanghali kanina (May 24), nasa 59.2 percent na ng mga guro ang napasweldo.
Katumbawas ito ng P1.5-Billion na halaga ng honoraria.
Sa kabuuan, aabot sa P2.6-Billion ang nakalaang pondo ng Comelec na pambayad sa mga gurong naglingkod sa halalan,
Paliwanag ni Jimenez, bago pa kasi ang halalan, may mga naka-schedule nang araw ng payment at nagkaroon din anya ng impact sa pagbibigay ng honoraria ang pag-arangkada ng Brigada Eskwela.
May mga guro anya na mas binigyang prayodidad ang Brigada Eskwela kaya hindi pa nakukuha ng ibang mga guro ang kanilang honoraria.
Ang honoraria ng mga guro ay nasa pagitan ng P3,000 hanggang P6,000 depende sa naging posisyong ginampanan ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.