LOOK: Mga container na naglalaman ng basura galing Canada isinailalim sa fumigation

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 04:58 PM

Isinailalim sa fumigation ang mga container na naglalaman ng basura galing Canada.

Sa larawang ibinahagi sa Twitter ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., makikitang isinasailaim sa fumigation ang mga container na naglalaman ng basura.

Ani Locsin ginawa ang proseso bago isakay sa barko ang mga container para maibalik sa Canada sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Locsin dahil ito ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay walang inaksayang oras ang pamahalaan.

Tinangka pa aniya ng Pinoy na importer ng basura na ipaiwan ang dalawa sa mga container dahil sa sentimental reason pero hindi ito pinagbigyan.

Ayon kay Locsin ang kaibahan ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa nagdaang mga administrasyon ay kung may dumarating na basura sa bansa ay agad maipapabalik ng mabilis sa pinagmulan nito.

TAGS: canada waste, DFA, fumigation, canada waste, DFA, fumigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.