Pagkukumpuni sa mga tubo ng Manila Water sa QC tapos na; water interruptions hindi na matutuloy

By Clarize Austria May 24, 2019 - 03:57 PM

Inanunsyo ng Manila Water na tapos ang ginawang biglaang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga tubo na aksidenteng nasira sa Elliptical Road, Quezon City.

Ang naganap na emergency leak repair, pipe interconnection at relocation ay kaugnay ng kasalukuyang konstruksyon ng MRT-7 sa nasabing lungsod kung saan apektado ang ilang tubo ng water company.

Dahil maagang natapos ang pagkukumpuni, hindi na matutuloy ang nakaambang water interruption kung saan apektado sana ang 20 barangay ngayong araw, May 24 hanggang bukas, May 25.

Paalala ng Manila Water sa mga residente, hindi man natuloy ang interruption ngayong araw ay umantabay sa posibleng service disruptions dulot pa rin ng limitadong supply ng tubig.

Una ng inanunsyo ng Manila Water ang pagkaantala sa serbisyo ng tubig kahapon (May 23, 2019).

TAGS: manila water, water, water interruptions, manila water, water, water interruptions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.