Malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, nagpapatuloy

Magpapatuloy ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ito ay makaraang magpalabas ng panibagong thunderstorm advisory ang PAGASA ganap na alas 3:15 ng hapon para sa Metro Manila, Bataan, Pampanga, Cavite, at Batangas.

Ayon sa PAGASA ang malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ay mararanasan sa nasabing mga lugar sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Palauig, Iba at Botolan sa Zambales; Bamban at Capas sa Tarlac; Dona Remedios Trinidad, Angat, Norzagaray at San Rafael sa Bulacan; General Nakar, Lucbanm Tayabas, Pagbilao, Mulanay, at San Narciso sa Quezon; Luisiana at Majayjay sa Laguna; Caranglan, Nueva Ecija; at Rodriguez, Rizal.

Pinapayuhan ang lahat na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...