Bangko nilooban sa La Union

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 03:31 PM

Napasok ng mga kawatan ang branch ng isang bangko sa bayan ng Bauang sa La Union, Biyernes ng umaga.

Humingi ng tulong sa mga otoridad ang mga tauhan ng bangko matapos makita ang isang malaking butas sa sahig ng establisyimento.

Ayon sa mga pulis, maaring matagal nang naghuhukay ang mga suspek para mapasok ang bangko.

Inaalam pa kung magkano ang kabuuang halaga na natangay ng mga salarin.

Nakita ring wasak ang vault ng bangko at may nakuhang mga bloke ng kahoy sa butas na maaring sa paghuhukay.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: bauang, La Union, Robbery, bauang, La Union, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.