Halos 200 same-sex couples nagpakasal sa Taiwan
Ipinagdiwang ng LGBTQ Community ang kauna-unahang same-sex weddings sa Taiwan.
Ngayong araw, May 24, 2019 umabot sa halos 200 na same-sex couples na ang nakapagkasal matapos gawing legal sa Taiwan ang pag-iisang dibdib ng may parehong kasarian.
Sa unang raw ng pagiging epektibo ng batas, dumagsa ang same-sex couples na nagparehistro ng kanilang kasal sa District Household Registration office.
Mayroong ding outdoor wedding party sa labas ng City Hall sa Taipei malapit sa Taipei 101 skyscraper para ipagdiwang ang pagiging epektibo nang batas.
Ang Taiwan ang naging kauna-unahang lugar sa Asya na pinayagan ang same-sex marriage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.