Ito ay kaugnay sa hiling ng PDEA na ipa-ban ang kantang ‘Amatz’ ni Shanti Dope dahil sa umano ay hindi magandang mensahe nito na tila tumataliwas sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Sa pahayag, sinabi ng MTRCB na kinikilala ng ahensya ang right to protection ng bawat bata laban sa hindi tamang impluwensya na maaring makaapekto sa kaniyang emotional, social at moral development.
Pero ang proteksyon sa karapatang ito ay may kaakibat din namang pagtitiyak na hindi maisasaalang-alang ang kalayaan sa pamamahayag na isinasaad ng Saligang Batas.
Sinabi ng MTCRB na upang matiyak ang balanseng pagtugon sa usapin at para sa due process ay ipatatawag ang mga apektadong partido sa isang conference.
Layunin nitong madinig ang kani-kanilang posisyon sa usapin.