PDEA at Shanti Dope ipatatawag ng MTRCB kaugnay sa hirit na ipa-ban ang kantang ‘Amatz’

May 24, 2019 - 02:58 PM

Nakatakdang ipatawag ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang kampo ng rapper na Shanti Dope.

Ito ay kaugnay sa hiling ng PDEA na ipa-ban ang kantang ‘Amatz’ ni Shanti Dope dahil sa umano ay hindi magandang mensahe nito na tila tumataliwas sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Sa pahayag, sinabi ng MTRCB na kinikilala ng ahensya ang right to protection ng bawat bata laban sa hindi tamang impluwensya na maaring makaapekto sa kaniyang emotional, social at moral development.

Pero ang proteksyon sa karapatang ito ay may kaakibat din namang pagtitiyak na hindi maisasaalang-alang ang kalayaan sa pamamahayag na isinasaad ng Saligang Batas.

Sinabi ng MTCRB na upang matiyak ang balanseng pagtugon sa usapin at para sa due process ay ipatatawag ang mga apektadong partido sa isang conference.

Layunin nitong madinig ang kani-kanilang posisyon sa usapin.

TAGS: Amatz, PDEA, Radyo Inquirer, Shanti Dope, Amatz, PDEA, Radyo Inquirer, Shanti Dope

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.