Kaso laban sa mga nahalal na ‘narco politicians’ tuloy ayon sa DILG
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tuloy ang pagsusulong ng kaso laban sa mga nahalal na pulitikong kasama sa narcolist ng pamahalaan.
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año kahit pinalad pang manalo noong nagdaang halalan ang 26 sa 46 na nasa narcolist ay tuloy ang pagsusulong ng kasong administratibo laban sa kanila.
Ang pagkakahalal aniya ng mga nasa narcolist ay hindi mangangahulugang lusot na sila sa kaso.
Samantala, itinuturing namang tagumpay ng DILG ang pagkatalo ng iba pang ‘narcopoliticians’.
Sinabi ni Año na ang pangunahing layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagklalabas ng pangalan ng ng mga nasa narcolist ay para bigyang babala ang publiko.
Paliwanag ni Año, kung hindi inilabas ang pangalan ng mga nasa narcolist ay marahil mas marami pa ang nanalo noong nagdaang eleksyon.
Kabilang sa mga nagwaging nasa narcolist ay dalawang congressmen, isang vice-governor, 18 mayors, 3 vice-mayors, isang konsehal at isang board member.
Sila ay pawang mula sa Calabarzon, BARMM, Eastern Visayas, Ilocos Region, Northern Mindanao, Western Visayas, Central Luzon, Zamboanga Peninsula, SOCCKSARGEN, at Caraga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.