Habal-habal driver binaril ng kapwa driver sa Cebu, suspek napatay ng rumespondeng pulis

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 02:23 PM

Patay ang dalawang habal-habal driver sa shooting incident na naganap sa Barangay Basak sa Lapu-Lapu City, Cebu, Biyernes (May 24) ng umaga.

Ayon kay Police Senior Master Sargeant Rowel Cutanda, ang mga nasawi ay nakilalang sina Junny Sollano at Rolando Castillas, na kapwa mula sa asosasyon ng habal-habal drivers sa lugar.

Sinabi ni Cutanda na si Sollano na siyang presidente ng habal-habal association at miyembro nitong si Castillas ay mayroong sigalot.

Ang away ng dalawa ay nauwi sa pamamaril ni Castillas kay Sollano kaninang alas 10:30 ng umaga sa kahabaan ng Basak-Marigondon road.

Nagkataon namang nasa lugar lamang si Police Corporal Jacinto Sagarino na agad rumesponde nang marinig ang putok ng baril.

Pero sa halip na sumuko, tinutukan ng baril ni Castillas ang pulis dahilan para paputukan siya nito.

Kapwa dead on the spot sina Sollano at Castillas.

TAGS: Lapu-Lapu City, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Lapu-Lapu City, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.