Malakas na pag-ulan asahan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan – PAGASA

By Clarize Austria May 24, 2019 - 02:10 PM

Asahan ang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ngayong hapon, May 24, 2019.

Sa inalabas na thunderstorm advisory ng PAGASA ala 1:10 ng hapon, makakaranas ng malakas na pag-ulan ang iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit probinsya na Cavite, Batangas, Zambales, at Quezon sa susunod na dalawang oras.

Makakaranas din ng parehong lagay ng panahon ang mga probinsya ng Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Laguna, at Rizal.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa banta ng pagbaha at landslides dulot ng pag-ulan.

TAGS: Pagasa, thunderstorm advisory, weather, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.