Alyas Bikoy naglagak na ng piyansa pero mananatili sa kulungan

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 01:54 PM

Nakapaglagak na ng piyansa si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, ang narrator sa “Ang Totoong Narcolist” videos.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde, naglagak si Bikoy ng P18,000 na piyansa para sa isang kaso nitong estafa.

Pero sinabi ni Albayalde na mananatili pa rin ito sa bilangguan dahil mayroon pa syang standing warrants of arrest para sa iba pa niyang kaso.

Mayroong limang estafa cases si Advincula.

Pero ani Albayalde nasa Quezon City court na ang pamilya ni Advincula at inaayos ang proseso ng piyansa para sa iba pa niyang kaso.

Sa sandaling makapaglagak na siya ng piyansa sa lahat ng mga kaso niyang may arrest warrant ay makalalaya na sya pansamantala.

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, bikoy, Peter Advincula, PNP, Radyo Inquirer, “Ang Totoong Narcolist”, bikoy, Peter Advincula, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.