Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga Pinoy na nagsabing nag-improve ang personal quality ng pamumuhay nila sa 38 percent ngayong quarter kumpara sa 37 percent noong December 2018.
Kalahati rin ng 1,440 na adult respondents ang umaasa na mas magiging maganda pa ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan habang 10 percent lang ang nagsabing lalala ang sitwasyon ng ekonomiya.
Tumaas ang optimism rate sa classes ABC at D habang bumagsak naman ng apat na puntos ang optimism rate sa class E.
Isinagawa ang survey mula March 28 hanggang 31.
MOST READ
LATEST STORIES