3 sa bawat 10 Filipino sinabing gumanda ang kalidad ng kanilang buhay noong 2018 – SWS

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 01:47 PM

Tatlo sa bawat sampung Filipino ang naniniwalang gumanda ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan ayon sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga Pinoy na nagsabing nag-improve ang personal quality ng pamumuhay nila sa 38 percent ngayong quarter kumpara sa 37 percent noong December 2018.

Kalahati rin ng 1,440 na adult respondents ang umaasa na mas magiging maganda pa ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan habang 10 percent lang ang nagsabing lalala ang sitwasyon ng ekonomiya.

Tumaas ang optimism rate sa classes ABC at D habang bumagsak naman ng apat na puntos ang optimism rate sa class E.

Isinagawa ang survey mula March 28 hanggang 31.

TAGS: optimism, quality of life, survey, SWS, optimism, quality of life, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.