Panawagang kunin ng Canada ang kanilang itinapong basura sa bansa lumakas pa
Tumitindi ngayon ang panawagan ng iba’t ibang environmental groups na maibalik ang basura ng Canada na itinapon sa bansa.
Ayon sa Ban Toxics, dapat ng i-recall ng Canada ang kanilang mga basura sa lalong madaling panahon.
Hindi dapat na magbingi-bingihan ang Canada sa mga basurang itinambak sa pilipinas.
Sinabi naman ng Kilusang Luntian na dapat na gamitin ng Pilipinas ang political will nito upang pilitin na ang canada na kunin ang kanilang mga basura.
Iginiit naman ng Greenpeace na huwag naman na gawing basurahan ang Pilipinas ng Canada, Australia at South Korea.
Sa halip na itapon sa mga bansa gaya ng Pilipinas ang kanilang mga basura, dapat na bawasan ng mga mayayamang bansa ang kanilang pino-produce na mga basura upang hindi sila mamrublema kung saan itatapon ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.