Drug suspect patay matapos mauwi sa shootout ang operasyon ng pulisya sa Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 12:49 PM

Patay ang isang hinihinalang drug pusher sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Antipolo City sa Rizal.

Sa ulat ng Calabarzon police, nangyari ang shootout alas 3:0o ng madaling araw ng Biyernes (May 25) sa Marcos Highway sa Barangay Mayamot.

Hindi pa tukoy ang buong pagkakakilanlan ng drug suspect pero kinilala ito sa alyas na “Andong”.

Nagawa umanong makabili ng poseur buyer ng P2,000 halaga ng shabu mula kay Andong.

At nang aarestuhin na ito ay nagpaputok pinaputukan nito ng baril ang mga pulis.

Agad namang gumanti ng putok ang mga otoridad dahilan para masawi ang suspek.

TAGS: Antipolo, police operation, Radyo Inquirer, Rizal, shootout, Antipolo, police operation, Radyo Inquirer, Rizal, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.