LOOK: Ilang kalsada sasailalim sa repair ngayong weekend

Muling magsasagawa ng road reblocking at repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng DPWH, may isasagawa silang repair at reblocking na magsisimula alas 11:00 ng gabi mamaya (May 24).

Kabilang sa apektado ang mga sumusunod:

EDSA Southbound:
– Lagarian Creek hanggang New York Street tabi ng sidewalk
– Bago mag Monte De Piedad hanggang sa EDSA Blvd. Tunnel, 4th lane mula sa sidewalk

EDSA Northbound:
– 50 metro paglagpas ng Magallanes MRT hanggang KM 29 malapit sa Ayala Tunnel, outer lane
– KM 27+019 hanggang KM 26+921, road level malapit sa Ayala Tunnel Service Road outer lane.
– Harap ng Baliwag Transit patungong New York Street, 1st lane mula sa sidewalk

C5 Northbound:
– harap ng SM Aura / Market Market

Sa Lunes, May 26 alas 5:00 ng umaga ay bubuksan na sa mga motorista ang mga apektadong kalsada.

Read more...