Toronto Raptors isang panalo na lang ang kailangan para makapasok sa NBA finals

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 12:28 PM

Isang panalo na lang ang kailangan ng Toronto Raptors para makapasok ito sa NBA finals at magkaroon ng pagkakataon na makuha ang kampeonato.

Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang Raptors at nakapagtala ng 35 puntos dahilan para talunin sa Game 5 ng NBA Eastern Conference Finals ang Milwaukee Bucks sa score na 105-99.

Sa home court ng Bucks ginanap ang laban pero hindi ito naging hadlang para maitala ng Raptors ang 3-2 lead sa best-of-seven series.

Kung magagawa ng Raptors na maipanalo muli ang Game 6 ay ito ang magiging kauna-unahan sa kasaysayan na makapapasok sila sa NBA finals.

Ang two-time defending league champion Golden State Warriors ay nag-aabang na lamang kung sino sa Raptors at Bucks ang kanilang makakalaban sa championship.

TAGS: Milwaukee Bucks, NBA, NBA Eastern Conference Finals, Toronto Raptors, Milwaukee Bucks, NBA, NBA Eastern Conference Finals, Toronto Raptors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.