Alyas Bikoy tumaas ang presyon dinala sa PNP Hospital

Isinugod sa PNP Hospital si Peter Joemel Advincula alays Bikoy.

Isang araw matapos ang kaniyang mga rebelasyon sa press briefing ng PNP, tumaas ang presyon ni Advincula kaya kinailangan siyang dalhin sa ospital.

Dumaing umano ng pananakit ng ulo at dibdib si Bikoy.

Ayon kay PNP chief, Police Gen. Oscar Albayalde tumaas ang blood pressure ni Bikoy sa 130/90 at patuloy na inoobserbahan.

Magugunitang sumuko si Bikoy sa mga otoridad dahil sa pangamba sa kaniyang buhay.

Read more...