Unang single ni ‘The Voice US’ contestant Jej Vinson nai-release na

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 11:55 AM

Nag-release na ng kaniyang unang single ang Filipino singer na si Jej Vinson.

Si Vinson ay umabot sa top 13 ng katatapos na season ng ‘The Voice US’.

Ang single ni Jej ay may titulong ‘Tasty’ na ang official lyric video ay naka-uplaod na sa Youtube.

Ibinahagi din ni Jej sa Instagram ang opisyal na pagre-release ng kanta.

Pinasalamatan niya ang mga nasa likod ng awit kabilang ang kaniyang co-writer, ang ZMCD Music, ang nag-edit ng kaniyang cover art at ang kaniyang manager.

TAGS: 'single', Jej Vinson, Radyo Inquirer, tasty, 'single', Jej Vinson, Radyo Inquirer, tasty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.