Pananatili ni Sotto bilang senate president pagpasok ng 18th Congress OK lang kay Sen. Cynthia Villar

Walang nakikitang problema si Senator Cynthia Villar kung mananatili bilang senate president si Senator Tito Sotto III.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Villar na kung ang makapagkakasunduan ng mayorya ay ang panatilihin si Sotto bilang senate president sa 18th Congress ay wala itong problema sa kaniya.

Hindi rin naman ibig sabihin ayon kay Villar na dahil siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto ay siya na ang magiging susunod na senate president.

Ani Villar, marami namang senador na nag-top noon na hindi naman naging pangulo ng senado.

Sa ngayon, matapos ang proklamasyon sinabi ni Villar na hindi pa naman sila muli nagkikita-kita at hindi pa ito napag-uusapan.

Read more...