Concerned Artists of the Philippines binatikos ang PDEA sa panawagang i-ban ang kantang ‘Amatz’ ni Shanti Dope
Nakakuha ng kakampi ang rapper na si Shanti Dope matapos ihirit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-ban sa kaniyang kantang “Amatz”.
Sa pahayag ng Concerned Artists of the Philippines, inilarawan nito na “katawa-tawa” ang hirit ng PDEA.
Ayon sa naturang grupo, malaya ang mga listener na i-interpret o magdebate tungkol sa nilalaman ng kanta ni Shanti Dope.
Ang paulit-ulit umanong mensahe tungkol sa lakas ng amtaz’, ‘sobrang natural at walang halong kemikal’ sa kanta ay maaring bigyan ng magkakaibang interpretasyon o pakahulugan.
Pero ang malinaw ayon sa grupo, hindi trabaho ng PDEA ang maging music critic.
Hindi rin umano nito trabaho na irekomenda ang cesorship o pagbabawal sa artistic expression.
Kasabay nito ay hinikayat ng Concerned Artists of the Philippines na hayaan ang mga batikan sa larangan ng musika, fans at publiko na mag-komento tungkol sa awit ni Shanti Dope.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.