Disenyong gowns ni Michael Cinco inirampa sa Cannes Film Festival
Inirampa sa Cannes Film Festival ang mga disensyong gown ng Filpino fashion designer na si Michael Cinco.
Suot ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ang light pink signature Cinco ballgown.
Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Mittenaere ang larawan niya suot ang nasabing gown at sinabing pakiramdam niya ay para siyang prinsesa.
Disenyong gown din ni Cinco ang suot ni Danish-Thai actress Sririta Jensen.
Dalawang ballgowns ni Cinco pa ang isinuot ni Jensen para sa una at ikalawang araw ng Film Fest.
Ilan lamang sina Mittenaere at Jensen sa mga sikat na nagsuot ng disenyo ni Cinco.
Kabilang sa mga superstar na nagsuot ng gowns ni Cinco ay sina Mariah Carey, Britney Spears, Jennifer Lopez, Lady Gaga, Aishwarya Rai, Leona Lewis at maraming iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.