Sen. Win Gatchalian sinabing may pag-asa pang maipasa ang sin tax hike

By Jan Escosio May 24, 2019 - 07:56 AM

INQUIRER Photo
Umaasa pa rin si Senator Sherwin Gatchalian na maipapasa sa Senado ang panukalang pagtaas ng buwis sa mga produktong tabako bago ang pagsasara ng 17th Congress sa unang araw ng Hunyo.

Ayon kay Gatchalian kung mailalatag na sa Lunes ang sponsorship speech at magiging madali ang mga nais na pag-amyenda ng mga senador ay maipapasa na ito sa third and final reading.

Binanggit ng senador na sa pakikipag-usap sa kanila ni Finance Sec. Carlos Dominguez, nais ng mga ito na maitaas ng P60 ang buwis sa bawat kaha ng sigarilyo sa loob ng susunod na limang taon.

Ngunit ayon kay Gatchalian, P70 pagtaas ang kanilang nais at bukas naman dito ang Department of Finance.

Pagdidiin ng senador napakahalaga na maipasa na ang tobacco tax hike para mapondohan ang Universal Health Care Law.

TAGS: Senate, sin tax hike, tobacco, win gatchalian, Senate, sin tax hike, tobacco, win gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.