Maddela, Quirino niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Maddela sa lalawigan ng Quirino.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers Southeast ng bayan ng Maddela, alas-2:31 umaga ng Biyernes, May 24.

May lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang intensity IV sa Maddela, Quirino at intensity II sa Baler, Aurora.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks.

Read more...