Milwaukee Bucks, binuwag ang record ng Warriors

By Kathleen Betina Aenlle December 14, 2015 - 12:01 AM

 

Greg Monroe ng Milwaukee Bucks
Inquirer.net/AP

Sinira ng Milwaukee Bucks ang pinanghahawakang record ng Golden State Warriors sa pagtutunggali ng dalawang koponan sa NBA nitong Sabado.

Sa kauna-unahang pagkakataon, natalo ang Warriors dahilan para mabuwag ang iniingatan nitong 28 straight wins.

Limang panalo na lang sana ang kakailanganin ng Warriors para mapantayan ang record na naitala ng Los Angeles Lakers noong 1971-72 season na 33 na sunud-sunod na panalo.

Natapos laban ng dalawa sa iskor na 108-95 pabor sa Bucks.

Inasahan na rin umano ng Golden State na mahihirapan sila sa laban kontra Milwaukee, lalo pa’t bagaman nanalo sila, halos dikit rin ang naging laban nila ng Boston Celtics sa iskor na 124-119 kamakailan lamang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.