Libu-libong motorista naperwisyo sa matinding traffic sa C5 dahil sa protesta ng mga tagasuporta ng natalong kandidato sa Taguig
Inabot ng ilang oras ang mga motorista sa kahabaan ng C5 sa kasagsagan ng rush hour kagabi.
Ito ay makaraang barahan ng nasa 3,000 mga tagasuporta ng magkapatid na Alan at Arnel Cerafica ang northbound at southbound lane ng C5 sa kasagsagan ng rush hour.
Ang mga nagprotesta ay pumwesto sa intersection ng C5-McKinley at binarahan ang kalsada.
Sa abiso ng MMDA alas 6:38 ng gabi nang magsimulang magtipon-tipon ang mga nagpoprotesta sa lugar.
Kinondena naman ni Taguig City Mayor-elect Lino Cayetano ang naturang protesta.
Aniya malinaw na ang layon nito ay manggulo lamang dahil tinapat pa sa rush hour ang pagkilos at sa main road ito isinagawa.
Marami aniya ang naperwisyo at inabot ng tatlong oras sa halos walang galawang traffic sa C5.
Tinalo ni Cayetano si Arnel Cerafica sa pagka-Mayor sa Taguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.