Metro Manila, mga kalapit na lalawigan maagang uulanin – PAGASA

Maagang uulanin ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong araw ng Biyernes, May 24.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 6:17 ng umaga, malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Pampanga, Bulacan, Cavite, at Batangas sa susunod na na dalawang oras.

Parehong kondisyon din ng panahon ang mararanasan sa Mariveles, Orion, at Limay sa Bataan at sa Alabat at Atimonan, Quezon.

Ang mga residente sa mga nabanggit na lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...