DICT: US ban sa Huawei maliit ang epekto sa telcos sa bansa

By Len Montaño May 24, 2019 - 04:50 AM

Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkakaroon lamang ng maliit na epekto sa telecommunications industry sa bansa ang ban ng Amerika sa Chinese company na Huawei.

Pahayag ito ng DICT kasunod ng ipinataw na trade restrictions ng US laban sa Huawei dahil sa umanoy spying activities.

Ayon sa DICT, maaaring makaapekto ito sa supply chain ng Huawei pero maliit lang ang epekto sa telco industry.

“This may affect the supply chain of the Chinese company but it will have a little impact in the Philippine telecommunications industry,” pahayag ng ahensya.

Pero dagdag ng DICT, dahil sa isyu sa Huawei, nag-anunsyo na ang local telcos na gagawa sila ng hakbang para hindi ito makaapekto sa kanilang operasyon sa hinaharap.

Sa isyu ng cybersecurity, minomonitor ng kasalukuyang mga telco sa bansa ang kanilang network at hanggang ngayon ay walang insidente ng national security breach sa kanilang network na gumagamit ng Huawei.

Patuloy namang oobligahin ng DICT ang telcos na bantayan ang kanilang network at tiyakin sa gobyerno na hindi makokompromiso ang kanilang operasyon kundi ay maaari silang mawalan ng license to operate.

“With the creation of DICT, the government has the tools to protect our cyberspace from any threats to our national security,” dagdag ng ahensya.

 

TAGS: China, cybersecurity, dict, Huawei, license to operate, maliit ang epekto, network, security breach, spying, supply chain, Telcos, trade restriction, US, China, cybersecurity, dict, Huawei, license to operate, maliit ang epekto, network, security breach, spying, supply chain, Telcos, trade restriction, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.