Tigil-konstruksyon sa mga kalye sa Metro Manila, simula na ngayon

By Jay Dones December 14, 2015 - 02:29 AM

 

Inquirer file photo

Tigil na muna ang lahat ng mga pagkukumpuni sa mga lansangan sa Kalakhang Maynila simula ngayong araw, Lunes upang maibsan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo na ngayong holiday season.

Iiral ang halos tatlong linggong moratorium sa mga road repair works hanggang January 3.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, saklaw ng direktiba ang nasa 146 mga paghuhukay at iba pang mga road projects na kinabibilangan ng mga drainage improvement works ng Department of Public Works and Highways.

Simula ngayong araw, tigil na rin pansamantala ang mga road reblocking sa kahabaan ng EDSA at C-5 at mga paghuhukay ng mga utility companies tulad ng Meralco.

Gayunman, nilinaw ni Carlos na tuloy pa rin ang mga flagship construction projects ng pamahalaan tulad ng Skyway Stage 3, NAIA elevated Expressway, at ang NLEX-SLEX connector projects.

Saklaw din ng pansamantalang pagbabawal sa mga paghuhukay ang mga proyektong pinasimulan ng mga LGU, bagama’t maari naman aniyang magbigay ng exemption ang MMDA kung hihilingin ito ng mga lokal na opisyal.

Sakaling may maaktuhang lumalabag sa moratorium, maaring mapatawan ang kontratista ng proyekto ng multa mula P3,000 hanggang P10,000 at kulong ng hanggang 20 araw.

Matatandaang lalong tumindi ang pagsisikip ng daloy ng trapiko pagpasok ng Christmas season sa buong Metro Manila.

 

Isa sa mga sinisising dahilan sa matinding traffic congestion ay ang mga paghuhukay sa mga lansangan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.