Compostela Valley tatawagin ng Davao de Oro

By Chona Yu May 24, 2019 - 04:04 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magpapalit sa pangalan ng Compostela Valley bilang Davao de Oro.

Base sa Republic Act No. 11297, ang Commission on Elections (Comelec) ang magsasagawa ng plebisito para sa pagpapalit ng pangalan.

Kinakailangan na makakuha ng mayorya sa mga rehistradong botante para tuluyang mabago ang pangalan ng Compostela Valley.

Nabatid na tanging ang Compostela Valley lamang sa Davao Region ang walang pangalan na Davao.

April 17 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na magiging epektibo 15 araw matapos mailathala sa mga malakaking pahayagan.

 

 

TAGS: batas, comelec, compostela valley, Davao de Oro, Davao Region, plebisito, Rodrigo Duterte, batas, comelec, compostela valley, Davao de Oro, Davao Region, plebisito, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.