MMDA: Provincial bus ban, hindi pa sigurado; pagpapatupad ng window hours ikinokonsidera
Hindi pa rin tiyak ang implementasyon ng provincial bus ban sa kahabaan ng EDSA sa Hunyo ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, hindi pa sigurado kung maipatutupad ang ban dahil hinihintay pa nila ang go-signal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nakatakda kasi anyang maglabas ng guidelines para sa fare matrix at franchise routes ng provincial buses ang DOTr at LTFRB.
Sakaling hindi pa anya handa ang MMDA ay hindi talaga ipatutupad ang bagong polisiya.
Nakatakdang anyang magpulong ang DOTr, LTFRB, MMDA at mga alkalde ng Metro Manila para muling pag-usapan ang bagong scheme.
Samantala, ikinukonsidera umano ng MMDA ang pagpapatupad ng window hours para sa provincial buses sa EDSA.
Posibleng payagan ang provincial buses na dumaan ng EDSA mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga ngunit hindi sila maaaring magsakay at magbaba ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.