Sa press briefing sa Marawi City, sinabi ni 103rd Infantry “Haribon” Brigade commander Col. Romeo Brawner Jr. na 25 na lang ang miyembro ng teroristang grupo.
Ayon kay Brawner, sa ganoong bilang ay hindi na kayang maglunsad pa ng pag-atake ang Maute tulad ng ginawa nila sa Marawi City.
“They will not be capable of launching an attack with the magnitude of what they did here in Marawi City during the Marawi siege,” ani Brawner.
Hindi naman anya magpapakumpyansa ang gobyerno dahil maaari pang maglunsad ng maliliit na pag-atake ang mga bandido tulad ng pagbomba o kaya’y pagpatay sa mga miyembro ng militar at pulisya.
“Their capabilities are diminished. However, they still can conduct limited terroristic attacks like bombings, they can attack soft targets, and also, they can kill members of the AFP and the PNP,” ani Brawner.
Sinabi rin ng military official na nahinto na rin ang suporta ng international financiers sa Maute Group na dahilan para hindi na makapag-recruit pa ang mga ito.
Ipinagmalaki naman ni Brawner na malaki ang tulong ng ipinatutupad na martial law sa Mindanao sa pagpapababa sa kriminalidad at pagpigil sa mga pag-atake sa Lanao del Sur.
Kahapon, ginunita ang ikalawang anibersaryo ng Marawi Siege.