Pilipinas abante sa FIBA Asia Cup matapos talunin ang Vanuatu sa 3X3 basketball
By Len Montaño May 24, 2019 - 03:16 AM
Inilampaso ng undefeated Gilas Pilipinas women’s team ang Vanuatu sa score na 22-5 para makumpleto ang pag-abante sa pool rounds ng FIBA 3X3 Asia Cup 2019 sa Changsha, China.
Ang koponan ay binubuo nina Jack Animam, Afril Bernardino, Janine Pontejos at Claire Castro na nagtapos sa qualifying round na may 3-0 record sa Group A.
Nagtala ang Pilipinas ng 6 points per game sa average qualifying draw.
Makakasama ng Pilipinas ang Japan at Sri Lanka sa women’s Pool C ngayong Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.