Bangkay ng babae nakita sa kanal sa Northern Samar

Rosario Police photo

Isang bangkay ng babae ang nadiskubre sa isang drainage sa Rosario, Northern Samar.

Kinilala ang biktima na si Ellen Joy Deguia na nakatira sa bayan ng Catarman.

Ayon sa pulisya, nakababa ang underwear ni Deguia at may sugat ito sa ulo.

Iniimbestigahan kung hinalay ang babae.

Patuloy ding kinikilala ang pumatay sa biktima at ang motibo sa krimen.

Read more...