2 taong gulang na bata, sinaksak ng ina sa Tondo

By Kathleen Betina Aenlle December 14, 2015 - 01:45 AM

 

crime-scene-e1400865926320Sinaksak ng 21-anyos na babae ang kaniyang dalawang taong gulang na anak sa Tondo, Maynila, Linggo ng umaga.

Nakaligtas naman ang bata at dinala agad sa ospital, habang ikinulong naman sa Moriones police station ng Manila Police Distrcit ang kaniyang ina.

Ayon kay PO1 Wrestlne Foa-nan, naganap ang insidente dakong ala-1:46 ng madaling araw sa mismong tahanan at kwarto ng mag-ina sa Lakandula street.

Natutulog lamang umano ang ina katabi ng bata nang bigla itong bumangon at kumuha ng kutsilyo at saka sinaksak sa likod ang kaniyang anak.

Biglang umiyak ng malakas ang batang duguan na ikinagising ng kanilang mga kaanak na kasama sa bahay, habang ang ina naman ay nakita nilang tulalang nakaupo sa sulok ng kwarto.

Agad na humingi ng tulong sa barangay ang mga kaanak nila upang ipahuli ang inang sinasabi nilang nagbabaliw-baliwan umano.

Bagaman hinihinalang naka-droga ang ina, iniimbestigahan pa ng mga pulis ang mga posibleng dahilan kung bakit ito ginawa ng suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.