Malacañang pabor na imbestigahan ang mga bagong pahayag ni Bikoy

By Chona Yu May 23, 2019 - 06:44 PM

Bukas na ngayon ang Malacañang na imbestigahan ng Philippine National Police o ng National Bureau of Investigation si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”

Si Advincula ang lalaking nasa ang Ang totoong narcolist” video na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng illegal na droga.

Pahayag ito ng palasyo matapos sabihin noon na pag- aaksaya lamang ng government resources ang pag- iimbestiga kay Bikoy nang idawit noon ang pamilya ng pangulo sa illegal drugs.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, ngayong nagbago na ng tono si Bikoy, hihintayin na lamang ng palasyo ang resulta ng imbestigasyon para ma validate ang kanyang mga alegasyon na ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes iv ang nasa likod ng naturang video.

Giit pa ni Panelo, dapat idaan sa sworn statement ang mga pahayag ni Bikoy at samahan ng matitibay na mga ebidensiya.

Ipinaliwanag ng opisyal na malinaw na progapanda lamang ang mga pahayag noon ni Bikoy dahil kailanman ay hindi papasok sa operasyon ng illegal na droga ang pamilya ni Pangulong Duterte.

TAGS: advincula, bikoy, duterte, narcolist, panelo, PNP, advincula, bikoy, duterte, narcolist, panelo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.